--Ads--

Magkakaroon na ng mas malalim na interes ang Estados Unidos para protektahan ang Ukraine laban sa Russia at maisulong ang peace deal matapos na lumagda ang US at Ukraine sa isang Mineral Deal.

Matatandaan na lumagda ang Estados Unidos at Ukraine sa isang kasunduan na nagbibigay ng access sa US sa rare earth minerals ng Kyiv, bilang kapalit ng pagtatayo ng US investment fund sa Ukraine upang palakasin ang ekonomiya nito na naapektuhan sa digmaan nila ng Russia.

Inihayag ni Bombo International News Correspondent Marissa Pascual na bagama’t Ukraine pa rin ang may kontrol sa mineral resources nito ay malaking bagay pa rin para sa US na mayroon silang access dito dahil ang Minerals sa Ukraine ay isa umano sa pinakamayamang mineral sa buong mundo.

Malaki aniya ang tiyansa na matigil ang digmaan sa pagitan ng Russia at Ukraine sa pamamagitan ng joint project na ito.

--Ads--

Gayunpaman ay bahagi aniya ito ng paniningil ni Trump sa $350 bilyon na nagastos ng US para tulungan ang naturang bansa ngunit tiniyak nito na hindi madedehado ang Ukraine.

Aniya, marami sa mga opisyal ng US ang natuwa sa naturang kasunduan dahil malaking bagay ito para sa kapayapaan sa pagitan ng Russia at Ukraine lalo na at nakasuporta ang US sa pagsusulong ng peace deal.