Ikinatuwa ng ilang residente ng Estados Unidos ang pagpirma ng bansa at ng Iran sa isang memorandum of understanding na naglalayong isulong ang peace deal sa pagitan ng dalawang bansa.
Gayunman, sa kabila ng positibong pagtanggap ng ilang sektor, marami pa rin ang nagdududa sa kasunduan, partikular ang ilang miyembro ng Democratic Party na nananatiling maingat sa epekto at implementasyon nito.
Ayon kay Bombo International News Correspondent Marissa Pascual, ikinagulat din niya ang paglagda ng memorandum of understanding bilang bahagi ng hakbang tungo sa peace deal, dahil sa matagal nang tensyon sa pagitan ng dalawang bansa.
Umaasa naman ang ilang residente na ang naturang kasunduan ay magdudulot ng positibong epekto sa pandaigdigang merkado, kabilang ang posibleng pagbaba ng presyo ng petrolyo. Gayunman, sinabi nila na sa kasalukuyan ay hindi pa nila nararamdaman ang anumang pagbabago sa presyo ng langis sa merkado.
Patuloy namang mino-monitor ng mga eksperto ang magiging epekto ng kasunduan sa pandaigdigang ekonomiya at relasyon ng dalawang bansa.











