--Ads--

Naitala ang isang minor strombolian activity sa summit crater ng bulkang Mayon nitong madaling-araw ng Huwebes, May 14, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology o PHIVOLCS.

Ayon sa ahensya, naganap ang strombolian activity dakong alas-12:12 ng madaling-araw at nakuhanan ito ng kanilang Quick Response Team.

Iniulat din ng PHIVOLCS na nagpapatuloy na sa ika-130 sunod na araw ang effusive eruption ng Bulkang Mayon na nagdudulot ng pagdaloy ng lava, pyroclastic density currents (PDC) o mas kilala bilang “uson,” at madalas na pagguho ng bato.

Nanatili namang nakataas ang Alert Level 3 sa Bulkang Mayon kaya mahigpit pa ring ipinagbabawal ang pagpasok sa loob ng 6-kilometrong Permanent Danger Zone.

--Ads--