--Ads--

Dismayado at labis na nalungkot si Miss Cosmo 2025 first runner-up Chelsea Fernandez matapos mawala ang P100,000 na naiwan umano niya sa isang na-book na ride-hailing vehicle matapos dumalo sa The Miss Philippines coronation ball noong Mayo 10.

Noong Mayo 12, ibinahagi ni Chelsea sa social media ang video ng kanyang final walk bilang Miss Cosmo Philippines 2025, kalakip ang masakit na karanasan matapos ang event kung saan nawalan siya ng malaking halaga ng pera.

Sa kanyang post, inilahad niya ang matinding panghihinayang at pagkadismaya sa insidente.

Bagamat hindi niya pinangalanan ang TNVS company na kanyang ginamit, umani ng pag-aalala mula sa kanyang mga tagasuporta ang nangyari.

--Ads--

Ayon kay Chelsea, posibleng ang driver o ang sumunod na pasahero ang maaaring nakakuha ng nawawalang pera.

Marami namang netizens ang nagpahayag ng suporta at nagbigay ng suhestiyon na agad itong i-report sa kumpanya at mga awtoridad upang makatulong sa imbestigasyon.