--Ads--
Bukod sa kampeonato, paglalabanan din ang P100,000 cash prize sa 2026 PVL On Tour na magsisimula bukas sa Capital Arena sa Ilagan City, Isabela.
Maghaharap ang Akari at ZUS Coffee sa alas-4 ng hapon, habang magtatapat naman ang Creamline at Nxled sa alas-6:30 ng gabi. Magdedepensa ng titulo ang PLDT.
Magpapatupad din ang PVL ng mandatory playing-time rule kung saan kailangang maipasok ang lahat ng 14 na manlalaro bago matapos ang second set. Hindi rin makalalaro ang mga miyembro ng Alas Pilipinas maliban kung wala silang national team commitments.








