--Ads--

CAUAYAN CITY – Pinabulaanan ng hepe ng Maconacon, Isabela na police escort ng bise mayor ang pulis na kabilang sa mga naaresto sa illegal gambling operation na isinagawa ng Tuguegarao City Police Station.

Ang mga nahuli ay sina Vice Mayor Jolly Taberner ng Maconacon, Isabela, 65 anyos; PSSg Maconel Pascua, 39 anyos, miyembro ng Maconacon Police Station, ang pulis din na si Christine Ruiz, 33 anyos, nakatalaga Police Regional Office (PRO-2) at Marlene Bautista, 52 anyos at empleado ng Department of Agriculture (DA) region 2.

Kabilang pa sa mga nahuli ay sina Jayson Allam, 39 anyos gulang,  residente ng Capatan, Tuguegarao City; Grace Laggui, 44 anyos, residente ng Balzain West, Tuguegarao City; Gerry Adducul, 66 anyos, retiradong pulis na residente ng Centro 10, Tuguegarao City; Pedro Baggay, 33 anyos ng Dadda, Tuguegarao City at Peter Laggui na may-ari ng bahay kung saan naaktuhang nagsusugal ng mahjong ang mga naaresto.

Nakuha sa lugar ang dalawang set ng mahjong tiles, dalawang Caliber  45 na may magazine at may 7 na bala at isang extra magazine na may 7 bala at P3,310 na bet money.

--Ads--

Samantala, sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay PCapt. Domer Pelo, hepe ng Maconacon Police Station, kinumpirma niya na kasapi ng kanilang himpilan si  PSSg Pascua.

Aniya, nagbakasyon si Pascua  sa kanyang pamilya sa Balzain West, Tuguegarao City dahil mahigit 3 buwan  siyang hindi nakauwi bunsod ng  COVID-19 pandemic.

Ayon kay PCapt. Pelo, wala siyang nababalitaan na nasangkot ang naturang pulis sa sugal kaya nabigla siya nang malaman ang pangyayari.

Pinabulaanan din niya ang ulat na police escort ng bise mayor si PSSg Pascua.

Ang pahayag ni PCapt Domer Pelo