--Ads--

Itinanggi ng singer na si Moira dela Torre na naging third party siya sa hiwalayan nina Sam Milby at Catriona Gray noong 2025.

Sinabi ni Moira na walang katotohanan ang mga alegasyong sangkot siya sa paghihiwalay ng dating magkasintahan.

Ayon sa singer, alam niya ang nangyari kina Sam at Catriona ngunit hindi niya ito ikukuwento dahil hindi aniya niya iyon kuwento.

Samantala, sinabi ni Moira na nasaktan siya nang sabihin ni Sam noong 2025 na hindi na sila magkaibigan.

--Ads--

Sa kabila nito, aminado siyang nami-miss pa rin niya ang dating kaibigang tinatawag niyang “Kuya Sam.”

Samantala, nakatakda ang ikaapat na major concert ni Moira na “Where It All Started” sa Mall of Asia Arena sa Oktubre 4.