Ipinagpaliban ang nakatakdang concert ni Moira Dela Torre sa MOA Arena ngayong unang linggo ng Oktubre, dahilan upang umani ng iba’t ibang reaksyon mula sa mga netizen.
Ilang netizen ang nagpahayag ng pagkadismaya, lalo na ang mga nakapag-book na ng flight at hotel para sa concert.
May ilan ding nanghula na maaaring mababang ticket sales ang dahilan ng postponement, ngunit wala pang opisyal na pahayag ang Ovation Productions hinggil dito.
Nauna nang inanunsyo ng producer noong Setyembre 10 na sold out ang box regular tickets na nagkakahalaga ng ₱1,750, ngunit wala nang sumunod na update tungkol sa ticket sales.
May ilang tagahanga naman na nagpahayag ng suporta kay Moira at sinabing handa silang maghintay hanggang sa muling maisagawa ang concert.









