Narekober ng hanay ng Regional Mobile Force Battalion 2 ang isang motorsiklong naipaulat na ninakaw sa syudad ng Tuguegarao.
Habang nagsasagawa ng border control checkpoint sa Brgy. Tactac, Sta Fe, Nueva Vizcaya ang 2nd Platoon, 205th MC sa pamumuno ni PLT Marnilio Mallillin, ay napansin ng mga kapulisan ang isang Raider Suzuki na minamaneho ni Alias Jayjay, 17 taong gulang,residente ng Purok 3, Brgy Punong Ganan, San Fernando, Surigao Del Norte sa kadahilanang biglang huminto at kaduda duda ang kanyang ikinikilos.
Dahilan upang ito ay lapitan ng mga kapulisan upang ito ay siyasatin at tanungin kung anong dahilan nito bakit ito huminto. Nang ito ay tanungin ng mga kapulisan upang ipakita ang papeles ng motorsiklo ay hindi tugma sa katauhan ng driver nito at ang nakalagay sa mga papeles.
Dahil sa pangyayari, Agad na nagsagawa verification sa record at pakikipagugnayan sa Highway Patrol Group ang mga Kapulisan at doo’y napagalaman na ang motorsiklong minamaneho ni alias Jayjay ay ninakaw mula kay Edimar Saralla , residente ng Brgy Canayun, Abulug, Cagayan. Ang nasabing motorsiklo ay naipaulat na nawawala sa Brgy. Balsain West, Tuguegarao City.
Agad namang itinurn over ang nasabing suspect at ang motorsiklo sa Sta Fe Police Station para sa tamang disposition. Habang nabawi na ng mayari ang kanyang motorsiklo matapos itong makipag ugnayan sa nasabing himpilan katuwang ang Tuguegarao City Component Police Station.