--Ads--

Bahagyang lumakas ang Severe Tropical Storm “Domeng” habang kumikilos pa-northwest sa bilis na 20 km/h sa silangang karagatan ng Pilipinas, kung saan huli itong namataan sa layong 875 kilometro Silangan ng Hilagang Luzon.

Taglay ng bagyo ang lakas ng hanging aabot sa 100 km/h malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 125 km/h.

Bagamat walang nakataas na Tropical Cyclone Wind Signal at malabong mag-landfall ang bagyo sa bansa, pinalalakas naman nito ang Habagat na magdadala ng malalakas na pagbugso ng hangin at matitinding pag-ulan sa malaking bahagi ng Visayas, gayundin sa ilang rehiyon sa Luzon at Mindanao tulad ng Batanes, Cagayan, CALABARZON, MIMAROPA, Bicol, at Davao mula ngayong araw hanggang sa Lunes, Hunyo 1.

Inaasahang patuloy pang lalakas si Domeng at posibleng umabot sa kategoryang Typhoon ngayong gabi o bukas ng umaga, bago ito liliko patungong timog ng Japan at tuluyang lalabas ng Philippine Area of Responsibility (PAR) sa Lunes.

--Ads--