--Ads--

Itinakda sa P150 kada kilo ang maximum suggested retail price (MSRP) ng pulang sibuyas simula Disyembre 11, ayon sa Department of Agriculture (DA).

Ito ay kasunod ng bahagyang pagtaas ng price import at landed cost sa P80 kada kilo mula P60.

Ayon kay Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr., iniulat ng mga importer ang pagtaas ng presyo mula sa mga pangunahing supplier gaya ng China, Poland at India, kaya’t kailangan nang itaas ang dating P120 kada kilo na presyo.

Sa kabilang banda, mananatili sa P120 kada kilo ang presyo ng puting sibuyas.

--Ads--

Matatandaang noong Disyembre 1, nagtakda ang ahensiya ng P120 kada kilo na MSRP para sa pula at puting sibuyas. (IS)