Naglunsad ng monitoring ang National Commission on Indigenous Peoples (NCIP) Isabela sa mga komunidad ng katutubo sa Lungsod ng Santiago, Dinapigue, Angadanan, at iba pang karatig-bayan sa lalawigan, bilang paghahanda sa inaasahang epekto ng Bagyong Paolo.
Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Nielvin B. Agustin, focal person ng NCIP Isabela, sinabi niyang layunin ng hakbang na matiyak ang kaligtasan ng mga Indigenous Peoples (IP) communities, partikular ang mga grupong Agta, Ibanag, at iba pa na naninirahan sa mga lugar na mataas ang panganib sa pagbaha, pagguho ng lupa, at malalakas na pag-ulan at hangin.
Pinangunahan ng mga tauhan ng NCIP Isabela, katuwang ang mga lokal na opisyal at Municipal Disaster Risk Reduction and Management Offices (MDRRMO), ang pagbibigay ng impormasyon at paalala sa mga residente hinggil sa mga hakbang na dapat gawin bago, habang, at pagkatapos ng bagyo.
Home Local News
NCIP Isabela, nagsagawa ng Monitoring sa mga Katutubong Komunidad Kaugnay ng Bagyong Paolo
--Ads--






