Arestado ang No. 6 Municipal Wanted Person sa San Isidro, Isabela sa pagpapatupad ng warrant of arrest ng mga tauhan ng San Isidro Police Station at Provincial Intelligence Unit o PIU ng Isabela Police Provincial Office nitong Setyembre 26, 2026.
Kinilala ang naaresto na si alyas Ching, 41-anyos, may asawa, driver at residente ng Barangay Ramos East, San Isidro, Isabela.
Nahaharap ang suspek sa dalawang counts ng statutory acts of lasciviousness at naaresto sa bisa ng warrant of arrest na may inirekomendang piyansa na ₱180,000 para sa bawat kaso.
Nasa kustodiya na ngayon ng San Isidro Police Station ang suspek para sa kaukulang proseso at nakatakdang iharap sa issuing court.
Ayon kay Isabela Police Provincial Director PCOL Manuel B. Bringas, patuloy na paiigtingin ng kapulisan ang intelligence-driven operations at pagpapatupad ng mga warrant of arrest laban sa mga wanted person sa lalawigan.











