--Ads--

Arestado ang isang 47-anyos na lalaki matapos maaktuhan sa buy-bust operation na ikinasa ng Diffun Police Station at Quirino Provincial Drug Enforcement Unit (QPDEU), katuwang ang Philippine Drug Enforcement Agency Regional Office 2 (PDEA-RO2).

Isinagawa ang operasyon sa Purok 7, Barangay Gulac, Diffun, Quirino.

Nakumpiska mula sa suspek ang tinatayang 0.6 gramo ng hinihinalang shabu na may halagang ₱4,080, buy-bust money na nagkakahalaga ng ₱3,000, kabilang ang isang tunay na ₱1,000 bill at dalawang pirasong boodle money, pati isang cellphone.

Agad na isinagawa ang inventory at pagmamarka sa mga nakuhang ebidensya sa harap ng mga kinatawan ng Department of Justice at iba pang mga kinakailangang saksi.

--Ads--

Mahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa Section 5, Article II ng Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.