--Ads--

CAUAYAN CITY- Arestado ang isang Lalaki  na tinaguriang number 8 most wanted person Provincial Level sa Sta. Maria, Isabela dahil sa pangagahasa sa isang menor de edad.

 Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay PCL. Lorraine Camacho ang imbestigador ng Roxas Police Station sinabi niya na ang suspk ay isang 31-anyos habang ang bitima ay 14-anyos lamang noong maganap ang pangagahasa.

Naganap ang insidente noong 2022 kasagsagan ng pandemic ng mangarolling ang biktima kasama ang suspek.

Batay sa Pulisya kasama ang pamilya ng biktima at suspek ay nagtungo sila sa isang Barangay para mangarolling, Dahil masama ang pakiramdam ay nag paiwan ang biktima sa kolong-kolong kasama ang suspek.

--Ads--

Makalipas ang ilang minuto ng makitang nakalayo na ang kanilang mga kasama ay inilipat ng suspek ang kolong kolong sa paradahan ng mga tricycle kung saan hindi sila makikita at doon isinakatuparan ang masamang balak.

Ayon sa Biktima tinakot siya ng suspek na papatayin kung magsusumbong.

Batay rin sa mga kapitbahay ng  suspek na ipinagmalaki at ikinukwento pa sa kanilang lugar ng suspek na ginahasa niya ang biktima.

Dahil sa pagkwekwento ,isang concerned Citizen ang nag ulat sa Pulisya na siyang nag udyok sa biktima upang magsumbong na sa mga otoridad.

Labis aniya ang sama ng loob ng Pamilya ng biktima dahil hindi na ibang tao ang suspek sa kanila na inaanak pa mismo ng nanay ng biktima.

Sa ngayon ang suspek ay nasa pangangalaga na ng BJMP Roxas, Isabela habang hinihintay ang isasampang kaso laban sa kaniya.