--Ads--
Matagumpay na naaresto ng mga operatiba ng PNP Abra ang Top 8 Most Wanted Person ng lalawigan para sa ikatlong quarter ng CY 2025 sa Zone 4, Bangued, Abra.
Isinagawa ang operasyon sa bisa ng warrant of arrest para sa kasong Statutory Rape kaugnay ng RA 7610.
Naipasa na ang lalaki sa tamang hukuman alinsunod sa utos ng commitment para sa kanyang kustodiya.
Ayon sa PNP Abra, patunay ito ng kanilang patuloy na dedikasyon sa paghuli sa mga lumalabag sa batas, gayundin sa bisa ng tuloy-tuloy na intelligence operations at matatag na ugnayan sa komunidad.
--Ads--











