--Ads--

Target ng Nxled Chameleons na makuha ang isa sa dalawang twice-to-beat advantage sa semifinals sa pagharap nito sa Creamline Cool Smashers sa 2026 Premier Volleyball League (PVL) All-Filipino Conference Siklab Series.

Magtutuos ang dalawang koponan ngayong alas-6 ng gabi sa Philsports Arena sa Pasig City.

Nangunguna ang Nxled sa standings taglay ang malinis na 6-0 record, habang hawak ng Farm Fresh ang 5-2 kartada. Kapwa na rin nakasiguro ng semifinal slots ang dalawang koponan.

Samantala, naghahabol pa ng puwesto sa semifinals ang Creamline, PLDT, Choco Mucho at Akari.

--Ads--

Galing ang Nxled sa straight-set victory kontra Akari na nagbigay rito ng unang semifinal berth.