--Ads--

Matapos ang pag-alis ng Petro Gazz at Chery Tiggo, ang Cignal naman ang opisyal na lumisan sa Premier Volleyball League (PVL).

Inanunsyo kahapon ng pamunuan ng Super Spikers ang kanilang desisyon matapos ang limang taong paglahok sa liga mula noong 2021.

Kasabay nito, tuluyang nagwakas ang 16 na taong paglahok ng Cignal sa women’s volleyball scene sa bansa.

Sa kanilang kampanya sa PVL, nakapag-uwi ang Super Spikers ng tatlong silver medals at limang bronze medals.

--Ads--

Kamakailan lamang, natalo sila sa Creamline sa 2026 PVL All-Filipino Conference Finals.

Winalis ng Cool Smashers ang Super Spikers, 2-0, sa kanilang best-of-three championship series.

Inaasahang pag-aagawan ng mga PVL teams ang serbisyo nina Vanie Gandler at Erika Santos.

Si Gandler rin ang hinirang na Most Valuable Player ng PVL All-Filipino Conference.