--Ads--

Tumaas ng 2.7% sa $3.55 billion ang personal remittances ng mga overseas Filipino workers (OFWs) noong Setyembre mula sa $3.46 billion sa kaparehong buwan noong nakaraang taon.

Batay sa datos ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP), umakyat din sa $3.2 billion ang cash remittances mula sa $3.12 billion noong Setyembre 2025.

Mula Enero hanggang Setyembre, umabot sa $29.65 billion ang personal remittances, mas mataas ng 2.3% kumpara sa kaparehong panahon noong nakaraang taon.

Inaasahan naman ng mga ekonomista na lalo pang tataas ang padala ng mga OFW sa mga susunod na buwan dahil sa nalalapit na Kapaskuhan, kung kailan karaniwang nagpapadala sila ng dagdag na pera para sa pangangailangan at gastusin ng kanilang pamilya.

--Ads--