--Ads--
Nagsampa na ang Office of the Ombudsman ng mga kasong malversation of public funds at graft sa Sandiganbayan laban sa pitong tauhan ng Department of Public Works and Highways (DPWH) Region 12 kaugnay ng umano’y P491.9-milyong anomalya sa road right-of-way sa General Santos City.
Kabilang sa mga kinasuhan sina dating DPWH Region 12 Regional Director Subair Saro Diron at dating Assistant Regional Director Laureano Suan Jr., kasama ang lima pang tauhan ng ahensya.
Ang mga kaso ay may kaugnayan sa umano’y iregularidad sa pagproseso ng bayad para sa right-of-way ng isang proyekto sa kalsada sa General Santos City.
Gayunman, mananatiling mga alegasyon ang mga paratang hangga’t hindi napapatunayan sa korte ang pananagutan ng mga kinasuhan.
--Ads--











