--Ads--

Nakitaan ng pagtaas ang collection efficiency ng Cauayan City Water District matapos ang ipinatupad na online payment na pinaniniwalaang mas accessible para sa mga consessioners sa lungsod.

Sa pakikipag-ugnayan ng Bombo Radyo Cauayan kay Engr. Manolito Supnet, sinabi niyang malaking tulong ang online payment dahil tumaas ang collection o bilang ng mga nakakapag bayad sa takdang araw dahil marami na rin ang gumagamit ng e-wallet.

Mula aniya sa dating 52% nang mga nakakapagbayad on-time ay naging 70% na ito ngayon, bagay na makatutulong sa ahensya upang mapaganda pa ang kanilang serbisyo at upang may magamit na pondo sa mga proyekto o programa.

Bilang kapalit naman ng agarang pagbabayad ng bill, ipinapaalam sa lahat ng consessioners na ang mga good payer sa July-December bill
ay mapapabilang sa mga makakasali sa raffle kung saan ay magkakaroon ng mga major prizes tulad 2 door refrigerator.

--Ads--

Ayon pa kay Engr. Supnet, simula noong nakaraang taon ay nakitaan ng pagtaas ang collection efficiency dahil sa pamamahagi nila ng 5kl na bigas sa 400 na on time payer, dahilan upang ituloy-tuloy ito.

Balak din aniya ng kanilang ahensya na magbigay ng major prize na motorsiklo sa susunod na taon upang mas maraming ma enganyo sa agarang pagbabayad ng bills.