--Ads--

Hiniling ng Office of the Solicitor General (OSG) sa Supreme Court na bigyan ito ng mas mahabang panahon para makasagot sa petisyong inihain laban sa 2025 General Appropriations Act (GAA).

Unang inihain ng grupo ni dating Executive Secretary Vic Rodriguez ang petisyon sa SC na kumukuwestiyon sa constitutionality ng pambansang pondo dahil na rin sa ilang kontrobersyal na isyu tulad ng hindi paglalaan ng subsidiya sa Philippine Health Insurance Corp. (PhilHealth), pag-prayoridad sa infrastracture sa halip na education, atbpa.

Binigyan naman ng Korte Suprema ang OSG ng sampung araw para sumagot sa naturang petisyon.

Gayonpaman, sinabi ng OSG na bagaman natapos na ang draft ng kanilang kasagutan, kailangan muna nitong sumailalim sa ilang revision at correction bago ito tuluyang maihain sa SC.

--Ads--

Ang OSG ang nagsisilbing legal counsel ng gobiyerno sa ganitong mga pagkakataon, habang ang pag-atas sa OSG na mag-komento sa petisyon ay bahagi ng standard procedure.

Unang itinakda ng SC ang oral argument para rito sa Abril-1 habang ang preliminary conference ay nakatakda sa February 28.

Unang pinirmahan ni Pang. Ferdinand Marcos Jr. ang 2025 budget noong December 30, 2024.