--Ads--
Narekober ng Pulisya ang nasa P2.2 Milyon na halaga ng marijuana bricks sa isang sementeryo sa Tabuk City, Kalinga
Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Pltcol. Benson Macli-ing ang hepe ng Tabuk City Police Station, sinabi niya na isang concerned citizen ang nagpaabot ng ulat sa pagkakatagpo ng mga inabandonang marijuana bricks sa sementeryo.
Sa ngayon ay sinisiyasat na nila kung sino ang posibleng nagmamay-ari nito.
Bilang hakbang ay pinalakas nila ang intelligence operation para maiwasang makapag puslit ng marijuana palabas ng Lalawigan.
--Ads--
Maliban dito ay tuluy-tuloy ang kanilang Marijuana Eredication sa mga natukoy na plantasyon sa pamamagitan ng kanilang operasyon.