--Ads--

Patuloy na binabantayan ng Cordon Police Station ang posibleng epekto ng pagtaas ng presyo ng mga produktong petrolyo sa peace and order situation sa naturang bayan.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay PCapt. Federico Tulay, Deputy Chief of Police ng Cordon Police Station, sinabi niya na nananatiling generally peaceful ang kanilang area of responsibility, subalit patuloy ang kanilang mahigpit na pagbabantay laban sa iba’t ibang uri ng krimen at paglabag sa batas na maaaring maitala.

Kabilang sa kanilang tinututukan ang posibleng pagtaas ng insidente ng pagnanakaw, robbery, at iba pang krimeng may kaugnayan sa krisis na dulot ng pagtaas ng presyo ng petrolyo at iba pang pangunahing bilihin.

Ayon pa kay Tulay, sa ganitong sitwasyon ay may posibilidad na tumaas ang kriminalidad dahil sa hirap ng kabuhayan, kaya pinalalakas nila ang police visibility sa pamamagitan ng mas madalas na pagpapatrolya, paglalagay ng checkpoints, at pakikipag-ugnayan sa mga barangay officials upang agad na matugunan ang anumang insidente.

--Ads--

Dagdag pa niya, pinaigting din ang kanilang intelligence monitoring at pakikipagtulungan sa komunidad upang mahikayat ang mga residente na maging mapagmatyag at agad na mag-report ng kahina-hinalang aktibidad sa kanilang lugar.