Naitala ng Philippine Statistics Authority (PSA) ang pinakamababang ani ng palay mula noong 2019.
Umabot sa 4.4 milyong metriko tonelada ang produksyon sa unang quarter ng 2026, mas mababa ng 6.2% kumpara sa 4.7 milyong tonelada noong nakaraang taon.
Ayon sa Department of Agriculture (DA), bumaba ang pagtatanim dahil sa mababang farm-gate prices at pinsalang dulot ng mga bagyo at pagbaha sa mga pangunahing rice-producing areas noong 2025.
Naapektuhan din ang produksyon dahil sa pagkaantala sa irigasyon sa Nueva Ecija, ngunit naayos na ito at inaasahang makakadagdag sa susunod na ani.
Sa kabila ng pagbaba, umaasa ang DA sa mas mataas na produksyon sa mga susunod na buwan dahil sa pagtaas ng presyo ng palay, na hinihikayat ang mga magsasaka na magtanim muli.











