--Ads--

Inihayag ng isang law professor na walang hurisdiksyon ang Pangulo ng bansa sa pagdidisiplina o pagtanggal sa Deputy Ombudsman.

Ito ay kasunod ng naging desisyon ng Korte Suprema na nagdeklarang walang bisa ang pagtanggal ni dating Pangulong Rodrigo Duterte kay dating Overall Deputy Ombudsman Melchor Arthur Carandang noong 2018.

Ayon sa Korte Suprema, ito ay dahil sa paglabag sa confidentiality at graft matapos maglabas si Carandang ng pahayag kaugnay ng imbestigasyon sa mga bank account na may kaugnayan umano sa yaman ng dating Pangulo.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Atty. Randy Arreola, isang law professor, binigyang-diin nito na kung sakaling may pananagutan si Carandang, ang Ombudsman lamang ang may kapangyarihang magdisiplina sa kanya dahil isa itong independent body, at hindi ang Office of the President.

--Ads--

Dahil natapos na ang termino ni Carandang noong 2020, hindi na siya maaaring maibalik sa pwesto.

Gayunman, iniutos ng Korte Suprema na ibigay sa kanya ang backwages mula sa panahon ng kanyang pagkakatanggal hanggang sa inaasahang pagtatapos ng kanyang termino.

Ayon pa kay Atty. Arreola, ang desisyong ito ay maaaring magsilbing gabay o basehan sa mga susunod na imbestigasyon ng Ombudsman laban sa matataas na opisyal ng pamahalaan.