--Ads--

Hiniling ng legal team ni dating Pangulong Rodrigo Duterte sa mga judge ng International Criminal Court (ICC) na tanggihan ang malawakang paggamit ng witness protection measures at closed-door sessions sa kanyang paglilitis.

Sa dokumentong inihain noong Nobyembre 23, 2026, iginiit ni Defense Counsel Peter Haynes na maaaring malabag ang karapatan ni Duterte sa isang public trial kung hindi ilalantad sa publiko ang testimonya ng karamihan sa mga testigo.

Batay sa panukala ng prosecution, nais nitong bigyan ng anonymity ang 55 sa kabuuang 69 na testigo, habang 22 naman ang maaaring tumestigo sa pamamagitan ng closed-door sessions.

Ayon sa depensa, mahalaga ang public trial upang matiyak ang fairness ng proceedings, masuri ng publiko ang mga ebidensiya at mapanatili ang tiwala sa justice system.

--Ads--

Dahil dito, hiniling ng kampo ni Duterte sa ICC Trial Chamber III na limitahan ang paggamit ng pseudonyms, face masking at voice distortion, at isaalang-alang ang closed-door hearings batay sa indibidwal na pangangailangan at panganib sa bawat testigo.