--Ads--
Namemeligrong makansela ang 2025 PBA All-Star, na ilan sa mga featured event ang 3-Point Shootout at Slam Dunk Contest.
Ayon kay Commissioner Willie Marcial, walang kasunduan na naisara sa lalawigan na target sanang ipalit sa Davao para pagdausan ng taunang kasiyahan.
Ang mga lungsod sana ng Davao at Panabo ang napiling mag-host sa taong ito ng All-Star ngunit dahil sa security concerns dulot ng kamakailang pag-aresto kay dating Pangulong Rodrigo Duterte, nagdesisyon ang PBA na dalhin ang event sa ibang probinsiya.