--Ads--

Hinihintay na ng pamunuan ng Persons with Disability Affairs Office o PDAO Cauayan City ang ibabang mandato kaugnay sa Centralized PWD card.

Ito ay upang maiwasan ang pagkalat ng mga pekeng PWD card kung saan maraming establisimento ang nalulugi sa pagbibigay ng diskwento sa mga ito sa pagbabayad ng bill.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Ginoong Jonathan Galutera, Disability Affairs Officer sinabi niya na hinihintay na lamang ng kanilang tanggapan ang abiso ng National Council of Disability at Department of Social Welfare and Development o DSWD para sa iisang klase ng card na ibibigay sa mga PWDs.

Katulad aniya ito ng E-Phil ID na iisa ang itsura at format kaya malabo nang magkaroon ng pekeng ID Card.

--Ads--

Ngayong hindi pa naipapatupad ang Unified ID Card ay magpapatuloy ang tanggapan sa pagbibigay ng PWD card na mula sa lokal na pamahalaan na pansamantalang magagamit ng mga PWD na myembro sa pagbili ng kanilang pangangailangan.