--Ads--

Wala pang usapan hinggil sa muling pagsali ng Pilipinas sa International Criminal Court (ICC), ngunit handa umano ang pamahalaan na makipagtulungan sa Interpol sakaling maglabas ng warrant of arrest ang ICC laban kina Senador Bong Go at Senador Ronald dela Rosa, pati sa iba pang dating opisyal na pinangalanang mga co-perpetrator sa drug war ng nakaraang administrasyon.

Ayon kay Palace press officer Claire Castro, sinunod ng pamahalaan ang batas ng Pilipinas at nakipag-ugnayan ito sa Interpol sa kaso ni dating pangulong Rodrigo Duterte, na inaresto at dinala sa The Hague noong nakaraang taon dahil sa umano’y krimen laban sa sangkatauhan.

Noong nakaraang linggo, pinangalanan ng Office of the Prosecutor ng ICC sina Go, Dela Rosa at anim pang iba bilang mga co-perpetrator sa kontrobersyal na kampanya kontra droga ni Duterte na ikinamatay ng mahigit 6,000 katao.