--Ads--

CAUAYAN CITY- Ipinagdiwang ng Filipino Community sa Louisina, United States ang ika-isang daan at dalawampu’t anim na anibersaryo ng araw ng kalayaan o Independence day ng Pililipinas.

Ito ay dinaluhan hindi lamang ng mga pinoy kundi pati na din ng ilang kawani ng konsulada mula sa Texas at Mississippi at ilang mga karatig na estado ng Lousiana.  

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Bombo International News Correspondent Erna Agustin Ramos Guckenburg, na ang naturang pagdiriwang ay inorganisa ng Philippine Honorary Consulate sa  New Orleans sa pangunguna ni Roberto Romero katuwang ang Philippine Historical Society na naka-base sa naturang lugar.

Aniya, nagtulong-tulong ang mga Filipino Community sa pagsasa-ayos sa venue at kaniya-kaniya din silang dala ng pagkain.

--Ads--

Ipinamalas naman sa naturang pagdiriwang ang iba’t ibang kultura ng mga Pilipino sa pamamagitan ng pagtatanghal ng mga tradisyunal na sayaw gaya ng Rigodon at Tinikling.

Ayon kay Guckenburg, bagama’t banyaga ang kaniyang asawa ay aktibo rin itong nakikilahok sa mga aktibidad sa taunang pagdiriwang ng Independence Day sa Estados Unidos.

Inanyayahan naman niya ang lahat ng mga Pilipino na makiisa sa selebasyon ng  araw ng kalayaan bukas upang maidapadama ang ating pagmamahal sa bayan.