Nag-alay ng panalangin ang Filipino Community sa crash site kung saan naganap ang Lapu Lapu Day Block Party Road crash para sa lahat ng biktima na nasawi at nasugatan.
Inihayag ni Bombo International News Correspondent Marissa Pascual na dumalaw sila sa East 41st Avenue at Fraser Street sa Canada kung saan ginanap ang Lapu Lapu Day Block Party.
Aniya malaking dagok ang insidenteng ito sa Filipino Community sa Vancouver dahil sa ang masayang pagdiriwang ay nauwi sa trahedya.
Ramdam aniya ang kalungkutan sa lahat ng mga kapwa Pilipino na roon na nag-aalay ng bulaklak at panalangin.
Sa katunayan aniya ay hindi lamang mga Pilipino ang nag-aalay ng bulaklak kundi maging isang mga lahi na nagpapakita ng pagkakaisa sa ganitong malungkot na pangyayari.
Matatandaan na 11 katao ang kumpirmadong nasaw habang nasa mahigit 20 indibidwal naman ang nasugatan nang araruhin ng isang sasakyan ang isang Pinoy Street Festival malapit sa East 41st Avenue at Fraser Street sa Canada kung saan ginanap ang Lapu Lapu Day Block Party.
Matapos ang insidente maraming nagpapahayag ng kagustuhang maghatid ng tulong sa mga biktima sa anumang pamamaraan gaya na lamang ng burial assistance.
Todo suporta rin ang Pamahalaan ng Vancouver na tulungan ang mga biktima dahil naglatag sila ng 24/7 Hotline na maaaring kontakin at designated areas na pwedeng lapitan ng mga apektadong indibidwal.
Naka-half-staff din ang bandila ng Canada sa Vancouver bilang pakikiramay sa mga biktima.
Aniya, ang suspek sa naturang insidente ay dati ng may record sa kapulisan at ito ay nauugnay sa pagkakaroon nito ng Mental Health Issue.
Hindi pa naman malinaw sa ngayong kung bakit nito nagawa ang krimen ngunit tinanggal na ng mga awtoridad ang anggulo na ito ay act of terrorism dahil na rin sa isyu nito sa mental health.
Ayon sa Organizer, tapos na ang event ng mangyari ang incidente at bumibili na lamang sila ng pagkain sa mga food trucks sa gilid ng daan nang araruhin sila ng isang SUV.