--Ads--

Kabilang ang Pilipinas sa mga bansang pinaka-exposed sa generative artificial intelligence (GenAI) sa ASEAN, kung saan 21% hanggang 28% ng mga trabaho ang apektado, ayon sa International Labor Organization (ILO).

Sa ulat, nasa “upper end” ang Pilipinas dahil sa service-oriented economy at malakas na IT-BPM sector. Gayunman, 3% hanggang 4% lamang ng trabaho ang nasa mataas na risk ng displacement, habang karamihan ay makakaranas ng pagbabago sa gawain sa halip na tuluyang pagkawala ng trabaho.

Pinakamalaking epekto ang nasa clerical jobs (93.7%), partikular sa data entry at record-keeping, habang mataas din ang exposure sa finance at insurance sectors. Mas apektado rin ang kababaihan dahil sa kanilang konsentrasyon sa administrative roles.

Ayon sa ILO, ang GenAI ay inaasahang magpapabago sa trabaho kaysa magtatanggal nito, kaya mahalaga ang upskilling, reskilling, at mas matibay na labor policies upang makasabay sa teknolohikal na pagbabago.

--Ads--