Ayon sa Malacañang, may 52 araw na reserbang suplay ng langis ang bansa hanggang Abril 21.
Sinabi ni Palace Press Officer Claire Castro na muling iginiit ni Pangulong Bongbong Marcos Jr. ang kanyang utos sa Department of Energy, sa pamumuno ni Secretary Sharon, na tiyakin ang tuloy-tuloy na suplay ng produktong petrolyo.
“Hindi dapat maputol ang suplay ng krudo dahil ayaw ng Pangulo ang stagnation. Nagkakaroon na ng inflation bunga ng sigalot sa Middle East, kaya’t kinakailangan na manatiling matatag ang suplay ng petrolyo,” ani Castro.
Pinangunahan ni Marcos ang ika-apat na pagpupulong ng UPLIFT Committee, kung saan tinalakay ng mga ahensya ang tugon ng pamahalaan sa krisis sa Gitnang Silangan.
Batay sa datos 471,000 barrels ng langis ang naideliver na sa bansa. May karagdagang 1 milyong barrels na nakumpirmang order
977,000 PUV drivers ang nabigyan ng ayuda habang nasa 373,000 drivers ang nakinabang sa fuel subsidy program.
22 renewable energy projects na may kabuuang 1,471 MW capacity ang pinabibilis ang paggawa at 86.89% ng 665 government agencies ay compliant na sa energy-saving measures.
2,933 ahensya ang sumusunod sa flexible work arrangements upang makatipid sa petrolyo at kuryente
Dagdag pa ni Castro, inaasahang mag-iimport ng bagong LPG upang mapatatag ang suplay sa loob ng 50 araw.
Samantala, inihahanda ng Department of Migrant Workers (DMW) ang isang microsite na magpapakita ng mga programang tulong para sa mga naapektuhan ng krisis. Mahigit 4,000 OFWs at 1,300 dependents na ang na-repatriate mula nang magsimula ang kaguluhan sa Gitnang Silangan.











