--Ads--

Bumagsak ang B1 bridge sa Karaj, kanluran ng Tehran, na itinuturing na pinakamataas na tulay sa Iran, matapos itong targetin ng air strike ng Amerika at Israel bilang bahagi ng limang linggong tensyon sa rehiyon.

Ipinakita ni US President Donald Trump sa social media ang video ng tulay na bumagsak, kasabay ng babala ng karagdagang pag-atake kung hindi makikipag-usap ang Iran.

Ayon sa Iranian state TV, dalawang airstrike ang tumama sa tulay at nagdulot ng mga nasugatan at nasawi.

Ang insidente ay nagdulot ng pangamba sa pandaigdigang komunidad dahil sa posibleng epekto nito sa seguridad ng rehiyon at presyo ng langis.

--Ads--