--Ads--

Isang residente ng Jensen Beach, Florida na si Maggie Kennedy, na kinilala ng Guinness World Records bilang pinakamatandang competitive pool player noong 2021 sa edad na 94, ay patuloy pa ring malakas at handang sumabak sa BCA Nationals Pool League Tournament sa Las Vegas ngayong taon sa edad na 98.

Kasama ang kaniyang koponan na Sunday Funday, inaasahang maglalaro si Kennedy mula Miyerkules hanggang Linggo. Bukod sa laro, pabirong sinabi niya na malapit din ang mga slot machine na tiyak na magdadagdag ng kasiyahan.

Aminado si Kennedy na madalas na nagugulat ang kaniyang mga kalaban dahil sa kaniyang edad.

Noong Linggo, nagtipon ang lokal na komunidad ng mga manlalaro ng bilyar sa Raxx Billiards sa Stuart upang magbigay ng $2,000 para sa kaniyang first-class na biyahe patungong Las Vegas. Lubos na naantig si Kennedy sa naturang suporta.

--Ads--

Ipinagmalaki rin ni Kennedy na ang kaniyang sigla ay bunga ng mabuting lahi at positibong pananaw sa buhay.