--Ads--

Nakakuha ng three medal chances sa Paris Olympics si Pinoy Gymnast Carlos Yulo matapos itong makapasok sa individual all-around, floor exercise, at vault finals kasunod ng pagtatapos ng men’s artistic gymnastics qualification kaninang ala una ng madaling araw.

Inamin ni Yulo na marami pa siyang magagawa sa kanyang performance sa qualification ngunit mas pinili nitong magplay safe upang makaiwas sa injury habang ginagawa pa rin ang sapat na bid na maabot ang all-around finals.

Kabilang si Yulo sa unang anim na kinumpirma ng Paris Olympics website na umabante sa vault apparatus finals.

Wala pang Pilipinong atleta ang nakarating sa maraming finals sa Olympics.

--Ads--

Malaki na ang posibilidad na ma-sweep ni Yulo na walisin ang tatlong disiplina para sa gintong medalya.

Pumangalawa ang 24-anyos na si Yulo matapos na umiskor ng 14.766 sa qualification round ng floor exercise, ang event/apparatus kung saan siya ay dating world champion noong 2019, at kung saan siya ay kasalukuyang three-time Asian champion.

Ang unang shot ni Yulo sa Olympic medal ay sa darating sa men’s all-around final sa ikatatlumput isa ng Hulyo.

Nakuha nito ang ika-siyam na puwesto at nakaipon ng kabuuang iskor na 83.631 sa anim na apparatuses sa qualification.

Samantala, Nakuha ni Jake Jarman ng Great Britan ang unang puwesto sa qualification ng floor exercise sa iskor na 14.966.

Makakalaban ng reigning champion Artem Dolgopyat ng Israel si Yulo para sa ginto matapos maitarak ang pang pitong pwesto sa qualification.

Nanguna naman si Zhang Boheng ng China sa qualification sa all-around sa score na 88.597, habang pumangatlo ang defending champion na si Daike Hashimoto ng Japan matapos magtala ng 85.064.

Nakuha naman ni Yulo ang ika-19 na pwesto sa parallel bars (14.533), ika-27 sa horizontal bar (13.466), ika-40 sa pommel horse (13.066), at ika-49 sa rings (13.000).