--Ads--

Umabot na sa halos ₱10 bilyon ang halaga ng pinsalang idinulot ng El Niño phenomenon sa sektor ng agrikultura sa bansa, na nakaapekto sa mahigit 324,000 magsasaka sa iba’t ibang rehiyon, ayon sa Department of Agriculture o DA.

Batay sa pinakahuling advisory ng ahensya nitong Miyerkoles, naitala sa ₱9.99 bilyon ang kabuuang halaga ng nasirang pananim, mas mataas kumpara sa ₱8.57 bilyon na naitala noong Oktubre 21.

Umabot naman sa 323,419 ektarya ng sakahan ang naapektuhan, na katumbas ng 288,424 metriko tonelada ng nawalang ani.

Pinakamalaki ang pinsala sa mais na umabot sa ₱5.63 bilyon, habang ₱3.65 bilyon naman ang naitalang pagkalugi sa palay.

--Ads--

Kabilang sa mga rehiyong naapektuhan ang Cordillera, Ilocos Region, Cagayan Valley at iba pang bahagi ng Luzon, Visayas at Mindanao.