--Ads--
Patuloy na bumababa ang halaga ng piso sa kabila ng dalawang linggong ceasefire sa pagitan ng United States at Iran, habang mas mabilis ang pagbangon ng ibang Asian currencies.
Ayon sa MUFG Bank, nananatiling mahina ang piso dahil sa epekto ng mataas na presyo ng enerhiya at panganib sa shipping sa Strait of Hormuz.
Lumabas sa datos na nasa P59 and 96 centavos kontra dolyar ang piso noong Abril 10, o 1.3% na pagbaba sa loob ng buwan.
Ayon sa Bangko Sentral ng Pilipinas, patuloy itong kumikilos upang mapanatili ang katatagan ng ekonomiya habang kinokontrol ang inflation.
--Ads--











