--Ads--
Muling humina ang Philippine peso sa panibagong record low na P60.55 kontra dolyar nitong Biyernes, Marso 27, ayon sa Bankers Association of the Philippines (BAP).
Ito na ang ika-anim na beses na naitala ang all-time low ngayong buwan ng Marso.
Ayon sa datos ng BAP, nagbukas ang piso sa P60.333, umabot sa pinakamataas na P60.57, at bumaba sa P60.285 sa loob ng araw.
Nagsara naman ito sa P60.55, mas mababa pa kumpara sa P60.23 noong Huwebes, Marso 26.
--Ads--








