--Ads--

CAUAYAN CITY- Nahanap na ang pitong katao na sakay ng nawawalang MV Ren-Zen 2 sa Calayan, Cagayan na kinabibilangan ng Philippine Coast Guard o PCG Personnel.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Coast Guard Ensign Ryan Joe Arrellano, Public Information Officer ng Coast Guard District Northeastern Luzon, sinabi niya na ang naturang motorbangka ay lumayag mula Calayan, Cagayan ang MV Ren-zen patungong Calayan, Cagayan.

Habang nasa lakagitnaan ng paglalayag ay nasiraan umano sila ng navigational equipment at dahil sa malalakas na alon ay nasira rin ang kanilang balancer dahilan upang nahirapan silang makarating sa kanilang destinasyon.

Agad namang nagsagawa ng Search and Rescue operation ang mga kawani ng Coastguard nang maiulat na hindi nakarating ang MV ren-zen sa destinasyon nito sa takdang oras.

--Ads--

Nang makarating sa bahagi ng Dalupiri Island sa Calayan ang bangka ay doon lamang sila nagkaroon ng signal dahilan upang makontact nila ang kanilang pamilya masabi kung saan sila naroroon.

Hindi naman nasaktan ang mga lulan nito at may dala rin silang mga pagkain kaya naman mayroon silang kinain habang sila ay nawawala sa dagat.