--Ads--

Kinordonan ng PNP ang  Kingdom of Jesus Christ cathedral   kung saan kailan ipinagdiriwang ng KOJC members anibersaryo ng religious group.

Ngayong araw ang  ika-39 anibersaryo ng pagkakatatag ng KOJC at nakatakda sanang gawin ang selebrasyon sa loob ng cathedral.

Una na nga rito, nanawagan ang pamunuan ng KOJC na pagbigyan silang magamit ang kanilang cathedral para sa kanilang pagdiriwang .

Inihayag naman ng Philippine National Police na nasa 40 hanggang 50 porsyento pa lamang ang ginagawang paghahalughog sa loob ng compound ng KOJC upang isilbi ang warrant of arrest sa puganteng si Pastor Apollo Quiboloy.

--Ads--