--Ads--

CAUAYAN CITY- Naghahanda na ang pamunuan ng San Mateo Police Station sa nalalapit na pagsisimula sa Election Period.

Inihayag ni PMaj. Christian Felix ang hepe ng San Mateo Police station na makaka-asa ang publiko o kanilang nasasakupan sa mas pinaigting na Police Visibility ngayong panahon ang eleksyon.

Aniya, nagpapatuloy ang knailang pag roronda sa poblacion area para ipakita ang presensya nila.

Alinsunod ito sa mandatong ibinaba ng PNP at ng Police Regional Office 2 para mapigilan ang anumang krimen para sa mapayapang National at Local Elections sa buwan ng Mayo.

--Ads--

Kasabay nito ay naghahanda na rin sila para sa pagpapatupad ng Gun Ban kaya naman asahan ang paglulunsad ng operasyon tulad ng Oplan Bakal.