--Ads--

Inatasan ng Philippine National Police (PNP) ang lahat ng yunit nito na paiigtingin ang intelligence monitoring matapos maaresto ang isang Mongolian aviation student na umano’y sangkot sa espionage sa Iba, Zambales.

Naglabas ng direktiba si PNP Chief General Jose Melencio Nartatez Jr. kasunod ng pagkakaaresto noong February 12 sa 30-anyos na suspek ng mga operatiba ng Bureau of Immigration, katuwang ang pulisya, militar, at National Intelligence Coordinating Agency.

Binigyang-diin ni Nartatez ang kahalagahan ng kaligtasan at seguridad ng bansa at ang pangangailangang maging mapagbantay at maagap sa pagtukoy at pag-neutralize ng anumang banta, lalo na ang may kaugnayan sa espionage. Inatasan din niya ang mga yunit ng pulisya na manatiling alerto at kumilos agad upang protektahan ang pambansang interes.

Ayon sa intelligence reports, kumuha umano ang suspek ng aerial photos ng Iba airport at kalapit na Palauig River, na humigit-kumulang limang nautical miles ang layo mula sa paliparan.

--Ads--

Kinumpirma ng mga awtoridad na lisensiyadong jet fighter pilot ng Chinese military ang suspek. Ayon sa National Security Council, itinago nito ang kanyang military background at serbisyo sa People’s Liberation Army, kabilang ang jet fighter license mula sa PLA Air Force Aviation University.