--Ads--

Pinaigting ng Public Order and Safety Division (POSD) ang kanilang pagbabantay sa mga lugar na inaasahang dadagsain ng mga mananampalataya.

Kasama sa kanilang pagbabantay ang mga simbahan at ruta ng prusisyon upang masiguro ang kaligtasan ng publiko.

Ngayong Huwebes Santo, isasagawa ang Kumpisalang Bayan, kasunod ang Evening Mass of the Lord’s Supper, washing of the feet, transfer of the blessed sacrament, prusisyon, at vigil.

Bukas naman ay gaganapin ang Senakulo, na inaasahang dadaluhan ng maraming deboto.

--Ads--

Pinayuhan ni POSD Chief Pilarito Mallillin ang mga dadalo na magdala ng payong at inuming tubig upang maiwasan ang dehydration at heat stroke, at iwasan ang pag-inom ng alak habang dumadalo sa mga banal na pagtitipon.

Tiniyak niya ang pagbabantay ng mga otoridad upang matiyak ang kaayusan at kaligtasan ng publiko.