--Ads--

CAUAYAN CITY- May paki-usap ang Public Order and Safety Division o POSD sa mga negosyante nag papa-utang ng motorsiklo na tiyaking may lisensya ang sino mang kukuha ng unit sa kanila.

Ayon kay POSD Chief Pilarito Mallillin may mga pagkakataon kasi na ang magulang ang naglalabas ng unit subalit ang anak naman umano ang gumagamit ng motorsiklo.

Aniya napakadaling nakakapag labas ng unit ang mga magulang dahil sa downpayment lamang ang madalas na kailangan para magkaroon ng brandnew na motorsiklo.

Giit niya kulang na kulang sa seminar ang mga kabataan ngayon at walang alam sa road safety subalit pinapabayaan naman ng mga magulang na makapag maneho ng motorsiklo sa kadahilanang ginagamit ito pang service papasok sa paaralan.

--Ads--

Maliban sa mga menor de edad na nagmamaheno ng motorsiklo madalas na problema din ngayon ng POSD ang mga reklamo kaugnay sa mga naglalabas ng unit subalit nabibigo naman umanong mag bayad sa kumpaniya.

Paalala niya na huwag ugaliin ang pagkuha ng motorsiklo subalit hindi babayaran o kaya naman pag-nahuli at na impound ay pababayaan na lamang dahil ikalulugi din ito ng mga kumpaniyang kanilang pinagkunan.

Disiplina lamang aniya ang kailangan ng bawat isa para magkaroon ng kaayusan sa mga kalsada.