CAUAYAN CITY- Nagiikot na ang mga volunteers ng Parish Pastoral Council for Responsible Voting.
Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Mother Mary Camille Marasigan ng PPCRV, sinabi niya na nakaantabay ang kanilang hanay sa magiging takbo ng botohan ngayong araw ng eleksyon.
Kasama ang kanilang mga volunteers ay nakapagikot na sila sa iba’t ibang polling precincts kung saan naobserbahan nila ang iba’t ibang sitwasyon ng mga botante.
May ilang voting centers ang crowded at halos nagsisiksikan na ang mga botante.
Agaw pansin aniya ang isang presinto kung saan may ilang anomalya ang nagaganap at nagkakaroon ng pagbibigay ng pagkain sa mga natapos ng bumoto partikular ang mga bumoto sa early voting hours.
Lahat ng obserbasyon ng PPCRV ay ipaparating sa Comellec para sa magiging tugon ukol dito.











