CAUAYAN CITY- Bilang paghahanda ng Department of Public Works and Highways o DPWH Region 2 sa halalan sa araw ng Lunes ay pansamantalang bubuksan ang lahat ng lanes sa daang Maharlika sa Nueva Vizcaya kaya malayang madadaanan ang two lanes ng kalsada.
Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Public Information Officer Maricel Asejo ng DPWH Region 2, sinabi niya na dahil ang Nueva Vizcaya ay gateway papasok at palabas ng Cagayan Valley ay pansamantala ding itititgil ang mga road activities para mapaluwag ang kalsada at magkaroon ng maayos na daloy ng trapiko ngayong halalan.
Ngayong peak season ay inaasahan na ang dagsa ng mga motorista na uuwi ng probinsya para maka boto sa araw ng Lunes.
Magiging katuwang ng DPWH ang PDRRMO, PNP at LGU .
Pagkatapos ng halalan ay muling mag re-resume ang lahat ng road activites sa May 14 ganap na alas-12 ng tanghali.
Plano naman nilang mas pabilisin ang pagsasagawa ng road activities para hindi na maging abala pa sa mga motorista.