--Ads--
Wala pang natatanggap na hiling para sa dagdag-presyo ng basic necessities at prime commodities sa kabila ng pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo, ayon kay Department of Trade and Industry o DTI Secretary Ma. Cristina Roque.
Sinabi ni Roque nitong Lunes, Setyembre 28, na nananatiling stable ang presyo ng mga pangunahing pagkain at iba pang basic commodities.
Pinaalalahanan naman niya ang mga consumer na maaaring tingnan ang updated price list ng basic commodities na inilalabas ng DTI at kailangang naka-display sa mga grocery store at supermarket.
Maaari ring makita online ang naturang listahan sa pamamagitan ng social media accounts ng DTI.
--Ads--










