--Ads--

CAUAYAN CITY – Nakahanda ang Police Regional Office o PRO 2 sa mga posibleng magsagawa ng rally sa kasagsagan ng SONA ng pangulo sa araw ng Lunes

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay PMaj. Sharon Mallillin, Public Information Officer ng Police Regional Office 2 sinabi niya na ilang araw bago ang SONA ng pangulo ay ilang aktibidad ang kanilang isinagawa kaugnay sa paghahanda sa seguridad.

Sa ngayon ay wala silang namonitor na sectoral organization na nagbabalak na magtungo sa Maynila para sumama sa mga isasagawang rally kasabay ng SONA.

Nagkaroon din ng pagsasanay ang mga kapulisan ng PRO 2 lalo na sa lower units upang mapaghandaan ang maximum tolerance sakaling magkaroon ng kilos protesta o rally.

--Ads--

Activated na rin aniya ang kanilang standby force na maaring ipadala sa Maynila sakaling kailanganin ng augmentation support sa mga pulis na magbabantay sa SONA.

Nagpapatuloy naman ang kanilang mga isinasagawang police visibility checkpoiints sa pambansang lansangan lalo na sa entry at exit points ng rehiyon dos.